Ang Pinduteros Award mula sa HRonline.ph
Pinduteros Award, ito'y mabunying gantimpala
Isang pagkilalang may maganda kang nagagawa
Nababasa ng mamamayan ang iyong inakda
Dahil karapatan ay ipinagtanggol mong kusa
Upang panlipunang hustisya'y makamit ng madla
Tunay na pagkilalang di dapat maisantabi
Edukasyon din ito para sa nakararami
Ramdam mo bang ang karapatan ng madla'y umigi
O karapata'y tinotokhang sa dilim ng gabi
Saksi ang award sa pakikibakang anong tindi
Ang Pinduteros Award, may prinsipyo't pakinabang
Walang anumang karapatang dapat tinotokhang
At walang sinumang tao ang dapat pinapaslang
Rimarim ng inhustisya'y dapat lamang maparam
Daan ang award upang karapatan ay igalang.
- gregbituinjr.
* nilikha ang tula sa ika-9 na Pinduteros Awards Night at binasa ng makata matapos siyang magawaran ng nasabing award sa kategoryang blogsite.
Maraming salamat kay Bb. Jenny Linares, na isa ring pinduteros, sa mga sumusunod na litrato:
Maraming salamat kay Bb. Jenny Linares, na isa ring pinduteros, sa mga sumusunod na litrato:
Ito ang kategoryang blogsite, kung saan kapwa kami nanalo rito ni Rodne Galicha. |
Pumasok pa sa ibang kategorya ang pangalan ng inyong lingkod. |
Maraming salamat kay Ate Nanette Castillo sa mga litratong ito:
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento